U.S. Pres. Joe Biden nakausap na si BBM sa telepono; paggalang sa karapatang pantao kabilang sa tinalakay

U.S. Pres. Joe Biden nakausap na si BBM sa telepono; paggalang sa karapatang pantao kabilang sa tinalakay

Nagpaabot na ng pagbati si U.S. President Joe Biden kay presumptive President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa pamamagitan ng tawag sa telepono.

Ayon kay Philippine Ambassador to the US Jose Manuel Romualdez, lulan ng Air Force One galing ng Chicago nang tumawag si Biden kay Marcos.

Tiniyak aniya ni Biden kay Marcos na magpapatuloy ang magandang relasyon ng US at Pilipinas.

Samantala sa inilabas na pahayag, kinumpirma ng White House ang pakikipag-usap ni Biden kay Marcos.

Ayon sa White House, kasamang tinalakay sa pag-uusap ng dalawa ang pagpapalawig sa bilateral cooperation ng Pilipinas at US sa paglaban sa COVID-19, pagtugon sa climate change, pag-promote sa broad-based economic growth, at pagrespeto sa karapatang pantao.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *