Pharmally witness patuloy na nakakataggap pa rin umano ng pananakot mula sa kampo ni Hontiveros

Pharmally witness patuloy na nakakataggap pa rin umano ng pananakot mula sa kampo ni Hontiveros

Isa pang dating Pharmally Pharmaceutical Corporation(PPC) warehouse staff ang nagbigay ng kanyang sworn statement na naglalahad ng ginawang panunuhol at pagbabanta sa kanya ng Office of Senator Rissa Hontiveros sa pamamagitan ng abogado nito na si Atty. Jaye Bekema kaugnay ng naging imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee.

Ayon sa testigong si Mark Clarence Manalo nagdesisyon syang magbigay ng sworn statement dahil hanggang sa kasalukuyan ay patuloy syang nakatatanggap ng pananakot gaya ng nakikitang mga sasakyan at motorsiklo na umaaligid sa kanilang bahay at ilang report ng kanyang mga kapitbahay na may mga lalaking naghahanap sa kanyang kapatid na si Veejay, ito ay ang matatandang testigo ni Hontiveros sa Senate hearing kaugnay sa anomalya sa pagbili ng pandemic materials ng PPC subalit kalaunan ay binawi ang kanyang testimonya at sinabing pinilit at sinuhuan lamang sya.

Aminado si Manalo na bagamat noong nakaraang taon pa natapos ang pagdinig ng Senado sa PPC ay natatakot pa rin sya sa kaligtasan nya at ng kanyang kapatid lalo pa at nakabinbin sa Office of the Ombudsman ang inihain nitong kasong conspiring to commit sedition, subornation of perjury, offering false evidence, paglabag sa code of conduct laban kay Hontiveros at mga staff nito.

Una nang inamin ni Manalo na si Veejay ang unang nilapitan ni Atty Bekema at ang driver ni Hontiveros na si Ryan Lazo, nakita umano nya ang P20,000 bribe money na inabot sa kanyang kapatid at pagkaraan nito ay nagpaalam ang kapatid na aalis at pansamantalang tutuloy sa isang safehouse.

Ikinagulat na lamang nya ang sumunud na pangyayari dahil nasa telebisyon na si Veejay at nag aakusa sa PPC, sinabi ni Manalo na bilang warehouse staff din ng PPC ay alam nyang pawang walang katotohanan ang isiniwalat ng kapatid sa pagdinig ng Senado kaya naman napilitan syang magtungo sa Citizens Crime Watch(CCW) para itanggi ang mga nasabi ng kapatid.

Ani Manalo noong Oktubre ay umamin ang kanyang kapatid sa kanilang pamilya na tinanggap nya ang suhol para na rin sa 4 na taong gulang na anak na may sakit, kalaunan ay maging sya ay tinangka na ding suhulan subalit tumanggi ito na syang dahilan kung bakit sya naghain ng kaso laban sa kampo ni Hontiveros sa Ombudsman noong Nobyembre 2021.

Inamin nito na mula Enero ngayong taon ay marami pa ring scare tactics ang ginagawa ang kampo ni Hontiveros sa kanilang pamilya ito ay kasunud ng pilit nilang pagtanggi sa pakiusap ni Atty Bekema na iwithdraw nila ang kanilang inihaing kaso.

“Sa pag uusap namin ni Atty Bekema sinabi nyang nagsampa na sila ng kaso laban kay Veejay at kung hindi ko babawiin ang aking salaysay ay magsasampa na rin sila ng kaso sa akin, noong tanggihan ko ang pakiusap nila ay hindi pa rin sila tumigil, bumalik ang lahat ng aking pangamba at takot,” nakasaad sa kanyang salaysay.

Sinabi ni Manalo na ang kanyang pagbibigay salaysay ay para ipaalam ang nangyayari at bilang proteksyon na rin sa sarili sakaling mayroong mangyari sa kanya.

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *