Kai Sotto opisyal na nagdeklara para sa NBA draft; nagpaalam na sa kaniyang team sa NBL

Kai Sotto opisyal na nagdeklara para sa NBA draft; nagpaalam na sa kaniyang team sa NBL

Isang taon matapos ang paglalaro niya sa Australian National Basketball League (NBL), opisyal nang nagdeklara si Kai Sotto para sa 2022 NBA Draft.

Susubukin ng 7-foot-3 na si Sotto na maging kauna-unahang full-fledged Filipino na makapasok sa NBA.

Sa kaniyang post sa Instagram, nagpasalamat si Sotto sa kaniyang team na 36ers sa NBL, sa kaniyang teammates, coaching stadd at agent.

Pinasalamatan din ni Kai ang kaniyang fans, pamilya, at iba pang tumulong at sumuporta sa kaniyang journey sa Adelaide.

Humiling si Sotto ng patuloy na dasal at suporta para makamit niya ang kaniyang pangarap na makapasok sa NBA.

“I have declared for the 2022 NBA Draft. Please pray and support me during my quest to fulfill my ultimate dream,”.

Gaganapin ang 2022 NBA Rookie Draft sa June 23 sa Barclays Center sa Brooklyn. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *