Pagsusuot ng face mask sa closed spaces hindi na mandatory sa Turkey
Binawi na ng pamahalaan ng Turkey ang mandatory na pagpapasuot ng face masks sa mga closed spaces sa nasabing bansa.
Ayon kay President Recep Tayyip Erdogan ng Turkey, hindi na maituturing na “mass threat” ang pandemya ng COVID-19.
Gayunman, sinabi ni Erdogan na magpapatuloy ang pag-iral ng mandatory mask use sa public transport at mga ospital hangga’t hindi umaabot sa below 1,000 ang naitatalang daily cases ng COVID-19 sa Turkey.
Inirekomenda din ng science board ng Turkey na ang mga edad 65 pataas na may karamdaman ay magpatuloy sa pagsusuot ng face masks.
Sa nakalipas na mga buwan patuloy sa pagbaba ang daily COVID-19 cases sa Turkey.
Umabot na din sa 147.4 million doses ng COVID-19 vaccines ang naiturok sa kanilang mamamayan mula nang umpisahan ang mass vaccination campaign noong January 2020. (DDC)