Korean national na wanted sa murder at telco fraud naaresto ng BI

Korean national na wanted sa murder at telco fraud naaresto ng BI

Arestado ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Korean national na wanted sa South Korea dahil sa kasong murder at telco fraud.

Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente ang dayuha ay nakilalang si Jang Youngjin, 38, anyos na naaresto sa Cubao, Quezon City sa bisa ng warrant of arrest na resulta ng inilabas na deportation order dahil sa pagiging undesirable alien.

Ang dayuhan ay may red notice mula sa Interpol at warrant of arrest mula sa Cheongju District Court sa Korea.

Sa rekord ng BI, binugbog at napatay ni Jang ang isa niyang kababayan noong Enero.

Maliban sa kasong murder, sangkot din ang dayuhan sa pagpatakbo ng telecom fraud na nag-ooperate sa China kung saan ay nakapanloko ng mahigit na 63 million won na halaga.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *