BBM-Sara, suportado ng Bulacan mayors

BBM-Sara, suportado ng Bulacan mayors

Suportado ng mga local chief executive at iba pang mayoral candidates sa iba’t ibang munisipalidad at lungsod sa Bulacan ang tambalan nina presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at vice presidential aspirant Sara Duterte-Carpio para sa 2022 national elections.

Ito ang kinumpirma ni Guiguinto Mayor Ambrosio “Boy” Cruz Jr., pangulo ng League of Municipalities of the Philippines-Bulacan Chapter.

Sa nilagdaang manifesto, 14 incumbent mayors at tatlong iba pang kandidato sa pagka-alkalde ang nagpahayag ng suporta sa BBM-Sara UniTeam.

Si Cruz na tumakabong kongresista sa ika-limang distrito ng Bulacan, ay nagsabing kumpiyansa ang mga lokal na lider na lalawigan sa liderato nina Marcos at Duterte-Carpio.

Kabilang sa Bulacan mayors na sumusuporta sa UniTeam ay sina Eladio Gonzales Jr. ng Balagtas, Jose Santiago Jr. ng Bocaue, Francis Albert Juan ng Bustos, Ricky Silvestre ng Marilao, Mary Ann Marcos ng Paombong, Roderick Tiongson ng San Miguel, Cipriano Violago Jr. ng San Rafael, Raulito Manlapaz ng Hagonoy, Arthur Robes ng City of San Jose Del Monte, Edwin Santos ng Obando, Russel Pleyto ng Sta. Maria, Narding de Leon ng Angat, Ferdie Estrella ng Baliuag at Vergel Meneses ng Bulakan.

‌Inihayag ni Cruz na lumagda rin sa naturang manifesto ang ilang mayoral candidates, gaya nina former mayor Christian Natividad ng Malolos City, former mayor Geronimo Cristobal ng Norzagaray at Cris Castro ng Pandi.

“We collectively believe that Marcos and Duterte-Carpio are the tandem our country needs to unite our people and to bounce back as a nation,” ayon sa alkalde.

Gayunman, sinabi ni Cruz na ang ilang incimbent mayors, gaya nina Anastacia Vistan ng Plaridel, Rico Roque ng Pandi, Alfred Germar ng Norzagaray at Jessie de Jesus ng Calumpit ay ini-endorso lamang ang vice presidential bid ni Duterte-Carpio.

“As elected local chief executives and official candidates, we are mandated to look after the welfare of our people, we have faith that the UniTeam will deliver the much-needed support to our localities,” saad sa manifesto.

“Buo ang aming tiwala at paninindigan na si Sara ang karapat-dapat maluklok na bise-presidente at dama namin na magiging matapat siya na kaagapay ng mga lokal na pamahalaan hindi lamang sa Bulacan kundi maging sa buong kapuluan,” dagdag pa ni Cruz.

Ang nilagdaang manifesto ay persona na isusumite kina Marcos at Duterte-Carpio.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *