Habagat magpapaulan sa Northern at Central Luzon ngayong araw

Habagat magpapaulan sa Northern at Central Luzon ngayong araw

Apektado ng Habagat ang Northern at Central Luzon.

Ayon sa PAGASA ang habagat o southwest monsoon at magpapaulan sa ilang bahagi ng Luzon ngayong araw ng Lunes (Aug. 24).

Sa weather forecast ng PAGASA, ang Batanes, Babuyan Islands at Ilocos Region ay makararanas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan.

Habagat at localized thunderstorms naman ang iiral sa Metro Manila at nalalabi pang bahagi ng bansa.

Dahil sa malakas na hangin na dulot ng habagat, nakataas ang gale warning ang bawal ang pumalaot sa mga baybaying dagat ng Batanes at Babuyan Group of Islands.

Wala namang inaasahang sama ng panahon na makaaapekto sa bansa sa susunod na tatlong araw.

 

 

 

 

admin

admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *