8,241 out of 11,402 examinees nakapasa sa Bar Exams

8,241 out of 11,402 examinees nakapasa sa Bar Exams

Nakapagtala ng 72.28 percent na nakapasa sa idinaos na Bar Exams base sa inilabas na resulta ng Korte Suprema.

Inanunsyo ni Supreme Court associate justice Marvic Leonen na 8,241 sa 11,402 examinees ang nakapasa sa Bar Exams.

Hindi pa naman naglabas ng top 10 na mga examinees, sa halip naglabas ang Korte Suprema ng listahan ng mga eskwelahan na may magandang rekord base sa dami ng nakapasa at base sa taas ng grado ng mga bar takers nila.

Ang group 4 ay kinabibilangan ng mga eskwelahan na mayroong lamang 10 o mas mababa pang estudyante na kumuha ng bar exams. 6 sa 27 eskwelahan na kasama sa grupo ang nakakuha ng 100 percent passing rate na pawang first-time takers.

Kabilang dito ang
– Abra Valley Colleges
– Batangas State University
– Rizal Memorial Colleges
– Tabaco College
– University of Makati
– Western Leyte College

Ang group 3 naman ay kinabibilangan ng mga 61 eskwelahan na mayroong 11 hanggang 50 bar takers. 7 sa nasabing mga eskwelahan ang mayroong passing rate na 100 percent para sa kanilang first-time takers.

Kabilang dito ang:
– Ateneo de Naga University
– Bulacan State University
– Jose Maria College
– Mariano Marcos State University
– Pamantasan ng Lungsod ng Maynila
– Siliman University
– University of Asia and the Pacific

Ang group 2 naman ay kinabibilangan ng 22 law schools na mayroong 51 to 100 bar takers, at ang ranking sa kanila ay batay sa percentage ng mga nakapasang first-time bar takers.

Kabilang sa top 5 ang:
1st – Saint Loius University
2nd – University of Cebu
3rd – Xavier University at Ateneo de Cagayan
4th – Ateneo de Davao University
5th – Lyceum of the Philippines University

Ang group 1 naman ay kinabibilangan ng 15 law schools na mayroong 100 pataas na bar takers, at ang ranking sa kanila ay batay din sa percentage ng mga nakapasang first-time bar takers.

Kabilang sa top 5 ang mga sumusunod:
1st – Ateneo de Manila University
2nd – University of the Philippines
3rd – San Beda University
4th – University of San Carlos
5th – University of Santo Tomas – Manila

Mayroon ding inilabas na listahan mga Law Schools na may pinakamataas na bilang ng exemplary passers.

Ito ay ang:
1st – University of the Philippines – Diliman
2nd – Ateneo de Manila University
3rd – Arellano University
Ateneo de Davao University
Far Eastern University
San Beda University
University of Cebu
University of the Cordilleras

Ang oath taking para sa mga bagong abogado ay sa May 2 na gaganapin sa SM Mall of Asia Arena. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *