Tropical Storm Agaton napanatili ang lakas; Signal No. 4 nakataas sa apat na lugar sa bansa

Tropical Storm Agaton napanatili ang lakas; Signal No. 4 nakataas sa apat na lugar sa bansa

Napanatili ng Tropical Storm Agaton ang lakas nito habang kumikilos sa costal waters Guiuan, Eastern Samar.

Sa 11AM weather bulletin ng PAGASA taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 75 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 105 kilometers bawat oras.

Mabagal ang kilos ng bagyo sa direksyong pa-kanluran.

Nakataas ang tropical cyclone wind signal number 2 sa sumusunod na mga lugar:

– southern portion of Eastern Samar (Guiuan, Mercedes, Salcedo, Quinapondan, Giporlos, Balangiga, Lawaan, General Macarthur, Hernani, Llorente, Balangkayan, Maydolong, Borongan City)
– southern portion of Samar (Marabut, Basey, Calbiga, Pinabacdao, Villareal, Santa Rita)
– northeastern portion of Leyte (Babatngon, Tacloban City, Palo, Tanauan, Tolosa)
– northern portion of Dinagat Islands (Loreto, Tubajon)

Signal number 1 naman ang nakataas sa sumusunod na mga lugar:

– rest of Eastern Samar
– of Samar
– Northern Samar
– Biliran
– rest of Leyte
– Southern Leyte
– northeastern portion of Cebu (Daanbantayan, Medellin, Bogo City, Tabogon, Borbon, San Remigio) including Camotes Islands
– Surigao del Norte
– rest of Dinagat Islands

Ngayong araw ay makararanas ng heavy hanggang intense at kung minsan ay torrential rains sa Eastern Visayas at Dinagat Islands.
Moderate to heavy with at kung minsan intense rains sa Surigao del Norte, Agusan del Norte, Bohol, at Cebu.

Light hanggang moderate at kung minsan ay heavy rains sa Masbate, Sorsogon, Albay, Catanduanes, Romblon, Northern Mindanao, at sa nalalabing bahagi ng Visayas at Caraga.

Bukas, moderate to heavy at kung minsan ay intense rains ang mararanasan sa Eastern Visayas, Dinagat Islands, Surigao del Norte, at northern portion ng Cebu kabilang ang Bantayan at Camotes Islands.

Light to moderate at kung minsan ay heavy rains sa Masbate, Sorsogon, at sa nalalabing bahagi ng Visayas at Caraga. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *