Bilang ng mga naapektuhan ng pag-aalburuto ng Bulkang Taal umakyat na sa mahigit 5,000 – NDRRMC
Umabot na sa mahigit 5,000 katao ang naapektuhan ng muling pag-aalburuto ng Bulkang Taal.
Ayon sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), kabuuang 1,539 na pamilya o katumbas ng 5,688 na katao ang naapektuhan mula sa 11 barangay sa labingwalong munisipalidad sa Batangas.
Mayroon pang 4,974 ag pansamantalang nananatili sa 17 evacuation centers.
Wala namang napaulat na nasaktan o nasawi dahil sa pag-aalburuto ng bulkan. (DDC)