120 sako ng basura nakulekta sa isinagawang clean-up operation ng Coast Guard sa Pasig River
Umabot sa 120 sako ng basura ang nakulekta ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) sa isinagawang clean-up drive sa Pasig River.
Ang aktibidad ay isinagawa sa vicinity waters ng Binondo, Manila bilang bahagi ng Pasig River Rehabilitation Program.
Katuwang ng Coast Guard sa aktibidad ang Presidential Security Group (PSG), DPWH, San Miguel Corp., Pasig River Coordinating and Management Office (PRCMO), at mga Barangay officials.
Dahil sa inisyatiba, mababawasan ang pagbaha sa mga lugar malapit sa Ilog Pasig. (DDC)