PANOORIN: Presensya ng mga mangingisdang Pinoy sa Bajo de Masinloc, tumataas ayon sa Coast Guard
Kinumpirma ng Philippine Coast Guard (PCG) na dumarami na ang mga mangingisdang Pinoy na nakakapunta sa bahagi ng Bajo de Masinloc para makapangisda.
Nagsagawa ng intensified maritime operations ang Coast Guard sa pagitan ng February 28 hanggang March 5, 2022 kung saan mayroong na-monitor na 45 na Filipino fishing boats na nagsasagawa ng fishing activities sa karagatan ng Bajo De Masinloc.
Sa pamamagitan ng “Bayanihan sa Karagatan,” ang mga tauhan ng BRP Malabrigo (MRRV-4402) at BRP Capones (MRRV-4404) ay namamahagi ng relief supplies at COVID-19 kits sa mga mangingisda.
Itinuturing naman ni PCG Commandant, CG Admiral Artemio M. Abu na milestone sa maritime security atd maritime safety ang pagtaas ng bilang ng mga mangingisdang Pinoy sa lugar.
Patunay aniya ito na nagbubunga ang pinaigting na pagkilos ng PCG para maprotektahan ang mga Filipino fishermen. (DDC)