Estero De San Miguel sa Maynila itinanghal na Grand Champion sa “Most Improved Estero” award ng DENR
Ang Estero De San Miguel sa Maynila ang itinanghal bilang Grand Champion sa “Gawad Taga-Ilog: Search for Most Improved Estero in Metro Manila” ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).
Tinanggap ng mga tauhan ng Department of Public Services-Manila ang parangal sa isinagawang seremonya.
Labingtatlong waterways sa Metro Manila ang naglaban-laban para sa nasabing parangal.
Sa pagpili sa most improved estero, kabilang sa titignan ang physical improvement; social mobilization and transformation; sustainability and replicability; at partnerships.
Ayon sa Manila City LGU, regular na nagpapatuloy ang clean-up effort sa mga estero sa Maynila sa tulong ng mga “Estero Rangers” (DDC)