Search and Rescue nagpapatuloy sa 132 na pasahero ng bumagsak na eroplano sa China
Nagpapatuloy ang search and rescue operations sa mga pasahero ng eroplano ng China Eastern Airlines na bumagsak sa Guangxi Region.
Natagpuan na ang ilang bahagi ng Boeing 737-800 jet sa kabundukan na karamihan ay sunog na sunog na.
Galing ng Kunming City na capital ng Yunnan Province at patungo dapat sa Guangdong Province ang Flight MU5735 nang ito ay mag-crash.
Batay sa ulat, 132 ang lulan na pasahero ng nasabing eroplano.
Nag-deploy na ng mga tauhan ang Chinese aviation regulator sa crash site para sa imbestigasyon.
Personal ding pamumunuan ni Chinese Vice Premier Liu He ang rescue efforts.
Samantala, grounded na ang lahat ng fleet ng kanilang 737-800 planes habang nagsasagawa ng imbestigayson. (DDC)