Full foreign ownership sa mga telco inaprubahan ni Pangulong Duterte

Full foreign ownership sa mga telco inaprubahan ni Pangulong Duterte

Pirmado na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas na nag-aamyenda sa Public Service Act o PSA, kung saan pinapayagan ang 100 percent foreign ownership sa public services sa bansa.

Nilagdaan ng pangulo ang Republic Act No. 11659 o an Act Amending Commonwealth Act No. 146 na kilala rin bilang Public Service Act, sa isang seremonya sa Rizal Hall sa Malakanyang, na dinaluhan ng ilang mambabatas at opisyal ng pamahalaan.

Sa ilalim ng inamyendahang PSA, ang mass media, telecommunications, railways, expressways, airports, at shipping industries ay ikinu-konsidera ng public services mula sa dating public utilities, at maari nang magmay-ari ng isandaang porsyento sa mga naturang sektor ang mga dayuhan.

Pinangunahan din ni Pangulong Duterte ang ceremonial presentation ng mga bagong batas, gaya ng RA 11647 na nag-amyenda sa Foreign Investments Act; RA 11650 na nagbibigay katiyakan sa Inclusive Education para sa mga mag-aaral na may mga kapansanan; at RA 11648 na nagtataas sa 16 mula 12 ang edad sa pagtukoy sa Statutory Rape.

Sa kanyang talumpati, sinabi ng pangulo na sa nalalapit na pagtatapos ng kanyang termino, hinahamon niya ang lahat ng leader sa national at local levels, maging ang lahat ng civil servants, na magtulungan upang mapagtibay ang rule of law.

Idinagdag pa ni Duterte na labis ang kanyang kagalakan na tapusin ang kanyang anim na taong panunungkulan bilang pangulo sa Hunyo 2022. (Infinite Radio Calbayog)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *