Limang lugar sa bansa nakapagtala ng delikadong antas ng Heat Index

Limang lugar sa bansa nakapagtala ng delikadong antas ng Heat Index

Limang lugar sa bansa ang nakapagtala ng delikadong antas ng Heat Index kahapon, March 21, 2022.

Sa datos na inilabas ng PAGASA, nasa “danger” level ang naitalang Heat Index sa sumusunod na mga lugar:

– Dagupan City, Pangasinan – 49 degrees Celsius
– Virac, Catanduanes – 44 degrees Celsius
– Cotabato City, Maguindanao – 42 degrees Celsius
– Daet, Camarines Norte – 42 degrees Celsius
– Sangley Point, Cavite – 42 degrees Celsius

Nasa pagitan naman ng 33 degrees Celsius hanggang 41 degrees Celsius o “Extreme Caution” ang naitalang Heat Index sa nakararaming lugar sa bansa.

Tanging ang Baguio City ang nakapagtala ng “Not Hazardous” level ng Heat Index makaraang umabot lamang sa 25 degrees Celsius ang maximum Heat Index kahapon. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *