Petisyon para sa pagtaas ng minimum wage naihain na sa anim na rehiyon sa bansa
Inihain sa anim na rehiyon sa bansa ang mga petisyon para hilingin ang pagtaas ng minimum wage.
Sa Laging handa public briefing sinabi ni Labor and Employment Usec. Benjo Benavidez na sasailalim sa proseso gaya ng mga pagdinig at public consultations ang mga petisyon.
Hindi naman makapagbigay ng pahayag si Benavidez kung gaano katagal aabutin bago mailabas ang desisyon ng mga regional wage board.
Una nang iniutos ni Labor Sec. Silvestre Bello III sa mga regional wage boards na i-review ang kasakuluyang umiiral na miimum wages.
Ito ay dahil maaring hindi na aniya akma ang minimum na suweldo sa kasalukuyang presyo ng mga pangunahing bilihin. (DDC)