Pinaiiral na COVID-19 restrictions sa Hong Kong mas pagagaanin na
Simula sa buwan ng Abril babawiin na ang ipinatutupad na travel ban ng Hong Kong sa siyam na mga bansa kabilang ang Pilipinas.
Ito ay makaraang mapagpasyahan ng pamahalaan ng Hong Kong na mas pagaanin na ang ipinatutupad na COVID-19 protocols.
Ayon kay Chief Executive Carrie Lam, babawasan din ang quarantine time sa mga dumarating na biyahero at unti-unti nang bubuksan ang mga paaralan.
Target ng pamahalaan ng Hong Kong na sa April 19 matapos ang Easter holidays ay magkaroon na muli ng face to face classes.
Target na ding mabuksan ang mga public venue gaya ng sports facilities. (DDC)