TINGNAN: Pamamahagi ng libreng sapatos, bags at kapote sa mga mag-aaral sa Makati City inumpisahan na
Bilang paghahanda sa muling pagpasok sa paaralan ng mga estudyante, sinimulan na sa Makati City ang pamamahagi ng libreng sapatos at bag sa mga mag-aaral.
Ayon kay Makati City Mayor Abby Binay, lahat ng mag-aaral sa Makati mula kinder hanggang senior high school ay makakatanggap ng bagong version ng libreng rubber shoes ng Makati.
Kabilang sa ipamamahagi sa mga estudyante ang Air Binay (AB 4.0) shoes, Randoseru bags at mga kapote para sa mga public school students.
Ngayong araw ng Lunes, March 21 ay sinimulan na ang pamamahagi sa F. Benitez Elementary School Annex, Gen. Pio del Pilar High School at Makati High School. (DDC)