Pag-imprenta ng balota mapapanood na via Livestream
Inilunsad ng Commission on Elections (Comelec) ang Livestreaming sa nagpapatuloy na pag-imprenta ng mga balota sa National Printing Office (NPO).
Ayon sa Comelec, 24/7 na mapapanood ang ballot printing via livestream sa Comelec website at Comelec Facebook page.
Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, ito ay para sa pagkakaroon ng transparency.
Kabilang sa ipinakikita sa livestream ang printing area, packing at shipping area at ang quarantine room.
Naglagay din ang Comelec ng observation areas sa NPO at sa Comelec warehouse sa Sta. Rosa, Laguna.
Maari nang magpadala doon ng kinatawan ang mga kandidato o partido basta’t masusunod ang minimum public health standards. (DDC)