P6.9M na halaga ng shabu na itinago sa Dinosaur Toys nakumpiska ng Customs
Nakumpiska ng mga tauhan ng Bureau of Customs – Port of Clark ang 1,000 gramo ng shabu na itinago sa mga laruang dinosaur galing Kuala Lumpur, Malaysia.
Ayon sa Customs, aabot sa P6.9 million ang halaga ng mga shabu na itinago sa 31 piraso ng dinosaur toys.
Isinailalim sa physical examination at pinaamoy sa K9 ng PDEA ang mga kargamento matapos makita ang kahina-hinalang laman nito nang dumaan sa x-ray scanning.
Agad isinailalim sa warrant of seizure and detention ang mga kargamento.
Naaresto din ang consignee nito sa ikinasang follow-up operations sa Caloocan City. (DDC)