DFA Aseana tatanggap na muli ng walk-in sa kanilang courtesy lane simula ngayong araw
Simula ngayong araw, March 14 ay tatanggap na muli ng walk-in sa courtesy lane ng Department of Foreign Affairs (DFA) Aseana.
Ayon sa DFA, kailangang fully-vaccinated ang mga pipila sa courtesy lane.
Maaring pumila mula 1PM at 300 aplikante lamang ang tatanggapin araw-araw.
Kabilang sa maaring gumamit ng courtesy lane ang mga sumusunod:
– senior citizens
– buntis
– solo parents
– PWDs
– batang edad 7 pababa
– OFWs
Maliban sa mga requirement para sa pagkuha at pag-renew ng pasaporta, kailangan ding magdala ng vaccination card bilang patunay na sila ay fully-vaccinated. (DDC)