9 na sa 10 presidential candidates ang nagkumpirmang dadalo sa Comelec debates

9 na sa 10 presidential candidates ang nagkumpirmang dadalo sa Comelec debates

Siyam na mula sa sampung presidential candidates ang nagkumpirmang dadalo sila sa mga debate na inorganisa ng Comelec.

Sa update sa Twitter, sinabi ni Comelec Spokesman James Jimenez na ang mga nagkumpirma ay sina Ernesto Abella, Leody de Guzman, Isko Moreno Domagoso, Panfilo Lacson, Norberto Gonzales, Faisal Mangondato, Jose Montemayor Jr., Manny Pacquiao, at Leni Robredo.

Ayon sa Comelec, wala pang kumpirmasyon mula kay Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Kung dadalo ito sa debate.

Ang unang presidential debate ay itinakda sa March 19, araw ng Sabado, at susundan ito sa April 3 at April 24.

Una nang sinabi ng Comelec na ang mga kandidatong hindi dadalo sa presidential at vice presidential debates ay hindi papayagang gamitin ang official E-rally channels ng poll body para sa nalalabing araw ng campaign period. (Infinite Radio Calbayog)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *