F-16 ng US Air Force dumating sa bansa; lalahok sa bilateral exercise kasama ang Philippine Air Force
Nasa bansa na ang labingdalawang F-16 ng 13th Fighter Squadron ng US Air Force o mas kilala bilang ‘PANTHERS’.
Magsasagawa ang US Air Force at ang Philippine Air Force ng 12-day exercise.
Lalahukan ito ng 5th Fighter Wing, 7th Fighter Squadron (BULLDOGS), at 105th Fighter Training Squadron (BLACKJACKS) na gagawin mula March 14 hanggang March 25.
Kasama sa pagsasanay ang labingdalawang F-16s ng US Air Force at aircraft mula Philippine Air Force.
Gagawin ito sa iba’t ibang lugar sa bansa gaya ng Basa Air Base, Floridablanca, Pampanga; Clark Air Base, Mabalacat City, Pampanga; Colonel Ernesto Ravina Air Base, Capas, Tarlac; at sa Wallace Air Station sa San Fernando La Union. (DDC)