Eastern Visayas may naitalang 84 na bagong kaso ng COVID-19

Eastern Visayas may naitalang 84 na bagong kaso ng COVID-19

Nakapagtala ng 84 pa na bagong kaso ng COVID-19 sa Eastern Visayas.

Sa datos ng Department of Health-Eastern Visayas, dahil sa dagdag na mga kaso umabot na sa 1,765 ang total confirmed cases ng COVID-19 sa rehiyon.

Umabot naman na sa 1,111 ang mga gumaling sa sakit at 645 na lang ang aktibong kaso.

Ang mga bagong kasong naitala ay mula sa iba’t ibang mga bayan sa lalawigan ng Eastern Samar, Leyte, Samar, Southern Leyte at Eastern Samar.

Karamihan sa mga bagong nagpositibo sa rehiyon ay pawang close contact ng mga nauna nang pasyente.

Habang mayroon ding mga locally stranded individual na umuwi sa kani-kanilang mga bayan.

Kasama din sa mga nadagdag sa kaso ang tatlong healthcare workers na mula sa Borongan City at San Julian sa Eastern Samar.

 

 

 

 

 

admin

admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *