Kauna-unahang tao na tumanggap ng puso pig heart transplant pumanaw dalawang buwan matapos ang operasyon
Dalawang buwan matapos ang makasaysayan at matagumpay na operasyon, pumanaw na ang kauna-unahang tao na tumanggap ng pig heart transplant.
Pumanaw si David Bennett, 57 anyos ayon sa pahayag ng University of Maryland Medical Center.
Hindi naman binanggit sa pahayag ng pagamutan kung ano ang dahilan ng pagpanaw ni Bennett.
Sinabi ni Dr. Bartley P. Griffith, na naging matapang na pasyente si Bennett na lumaban hanggang sa huli.
Si Bennett na dumanas ng terminal heart disease ay piniling maoperahan siya noong Jan. 7 matapos maging eligible para sa human heart transplant.
Sinabi ng ospital na naging matagumpay ang heart transplant at ilang linggo matapos ang operasyon ay nakasama na ni
Bennett ang kaniyang pamilya at nakasailalim na siya sa physical therapy.
Nakapanood din ng Super Bowl si Bennett kasama ang kaniyang physical therapist.
Ayon sa pahayag, ilang araw ang nakararaan nang hindi na maging mabuti ang kondisyon ni Bennett.
Nakausap pa ni Bennett ang kaniyang pamilya bago siya tuluyang bawian ng buhay. (DDC)