Prize money sa mga sasalihang tournament ido-donate ni Andy Murray sa mga biktima ng kaguluhan sa Ukraine
Ido-donate ni dating World Number One Andy Murray ang kanyang prize money mula sa mga Tennis Tournaments na sasalihan niya ngayong taon sa mga biktima ng giyera sa Ukraine.
Sinabi ng British Player na nakikipag-ugnayan siya sa United Nations Children’s Agency upang tulungan ang mga biktima ng digmaan kasunod ng Russian invasion sa Ukraine noong huling linggo ng Pebrero.
Sa kanyang Tweet, sinabi ni Murray na mahigit 7.5 na kabataan ang nasa panganib sa gitna ng lumalalang kaguluhan sa Ukraine kaya nakikipag-usap siya sa Unicef para makapagbigay ng urgent medical supplies at early childhood development kits.
Ang 34 anyos mula Scotland, na kasalukuyang pang-88 sa buong mundo, ay nakabalik sa training at paglalaro matapos magtamo ng serious hip problems, subalit hindi na impresibo ang resulta ng kanyang mga laro, maliban sa nakaabot ito sa final ng ATP Tour Event sa Sydney noong Enero. (Infinite Radio Calbayog)