Lucena City nakiisa sa pagsisimula ng Fire Prevention Month
Ngayong buwan ng Marso ay sabay-sabay na ginugunita sa buong bansa ang Fire Prevention Month.
Bilang hudyat ng nasabing pagsisimula ng pagdiriwang, nakiisa ang Lucena City Fire Station sa ilalim ng pangangasiwa ni City Fire Marshall CInsp Orlando Antonio sa isinagawang Simultaneous Nationwide Blowing of Horns.
Pinaingay ng mga naglalakasang busina at fire sirens ang paligid ng mga istasyon sa pamamagitan ng pagmamando ng mga personnel ng kagawaran.
Sa kasabay na araw ay isang kick-off ceremony naman ang dinaluhan ng mga ito sa pangunguna ni Antonio sa bahagi ng Twin Rivers Park sa lungsod ng Lucena na siyang pinangunahan ng Provincial Government at ng Bureau of Fire Protection Quezon thru Provincial Fire Director Supt Rowena Hernandez Gollod kasama rin ang Tayabas City Fire Station.
Nagkaroon din ng mga ito ng pagbibigay paalala ang Kagawaran ng Pamatay Sunog sa magkatuwang na responsibilidad at ng pamayanan sa pag-iingat at pag-iwas sa sunog sa pamamagitan ng tema nitong ‘Sa Pag-iwas sa Sunog, Hindi Ka Nag-iisa!”
Kahapon lamang ay nagsagawa ang BFP Lucena ng kick-off ceremony kayat siniguro ng nasabing tanggapan na mas lalo pa nilang paiigtingin ang Lucena City Fire Station sa pagpapalaganap ng mga fire prevention program at awareness kaalinsabay ng nasabing buong buwang pagdiriwang na naglalayong paalalahanan ang publiko sa mga panganib na dulot ng sunog at kung paano maiiwasan ang pinsalang dulot nito hindi lamang sa mga tahanan kundi pati na rin sa buhay ng tao. (Jay-Ar Narit)