Mahigit 800,000 doses ng Pfizer COVID-19 vaccine dumating sa bansa
Dumating sa Pilipinas ang 804,000 doses ng Pfizer COVID-19 vaccine na para sa mga edad 5 hanggang 11 tong gulang.
Ang nasabing mga bakuna ay binili ng pamahalaan sa pamamagitan ng World Bank.
Dumating ang mga bakuna lulan ng DHL Express Flight.
Ayon sa National Task Force Against COVID-19, ipamamahagi ang mga bakuna sa iba’t ibang panig ng bansa, para magtuluy-tuloy ang bakunahan sa mga edad 5 hanggang 11.
Una nang sinabi ng Department of Health na 30 milyong doses ng Pfizer vaccines para sa nasabing age group ang binili ng pamahalaan. (DDC)