BREAKING: DOH nakapagtala ng 989 na bagong kaso ng COVID-19
Nakapagtala ng 989 na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon sa datos ng Department of Health (DOH) araw ng Huwebes, March 3, ay 3,664,905 na ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa kabuuang bilang ng COVID-19 cases, 3,557,909 ang gumaling o katumbas ng 97.1 percent makaraang makapagtala pa ng dagdag na 1,349 na gumaling.
Bumaba naman na sa 50,458 ang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 ng 1.4 percent.
Nasa 56,538 ang kabuuang death toll sa bansa o 1.54 percent makaraang makapagtala ng 34 pang pumanaw. (DDC)