Passenger capacity sa NAIA itataas sa 10,000 mula sa kasalukuyang 5,000

Passenger capacity sa NAIA itataas sa 10,000 mula sa kasalukuyang 5,000

Kasunod ng pag-iral na ng Alert Level 1 sa Metro Manila, itataas na ang passenger arrival cap sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ayon kay Transportation Secretary Art Tugade, mula sa kasalukuyang passenger arrival cap na 5,000 ay gagawin na itong 10,000.

Pinaghandaan na aniya ng Aviation Sector ng DOTr ang pagdagsa ng mga pasahero dahil sa pagbaba ng Alert Level Status sa NCR.

“Converting from Alert Level 2 to Alert Level 1, masasabi ko ‘ho na sa mga nagawa at gagawin pa namin, handa na ang Department of Transportation and we support the move to lower to Alert Level 1, following the guidance and mandates of the IATF,” ayon kay DOTr Secretary Art Tugade .

Pinapayagan na din ang mga airline companies na mag-operate ng 100% passenger capacity.

Patuloy pa rin naman ayon kay Tugade ang universal at mandatory safe measures sa mga paalis at parating na na mga pasahero, gayundin habang lulan sila ng eroplano.

Inanunsyo din ni Tugade na simula sa March 28 ay ay magre-resume na ng operasyon ang NAIA Terminal 4.

Tumataas na kasi ang bilang ng domestic kaya kailangang magdagdag ng pasilidad. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *