DOH nakapagtala ng 1,534 na bagong kaso ng COVID-19
Nakapagtala ng 1,534 na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon sa datos ng Department of Health (DOH) araw ng Martes, Feb. 22 ay 3,655,709 na ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa kabuuang bilang ng COVID-19 cases, 3,544,283 ang gumaling o katumbas ng 97 percent makaraang makapagtala pa ng dagdag na 2,729 na gumaling.
Bumaba naman na sa 55,449 ang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 ng 1.5 percent.
Umabot naman na sa 55,977 ang kabuuang death toll sa bansa o 1.53 percent makaraang makapagtala ng dagdag na 201 pang pumanaw. (DDC)