Rider basag ang bungo nang makasalpukan ang isang truck sa Maynila

Rider basag ang bungo nang makasalpukan ang isang truck sa Maynila

Dead on the spot ang isang motor rider nang ma-hit and run ng isang truck sa Balut, Tondo sa Maynila.

Batay sa Major Ronald Santiago, na hepe ng Manila Police District Traffic Bureau, ang biktima ay nakilala si Geronimo Tilbe na taga-Tondo.

Naganap aniya ang insidente sa southbound ng Honorio Lopez Boulevard dakong 5:15 Lunes ng umaga.

Sa inisyal na imbestigasyon, sumalpok ang motorsiklo ng biktima sa truck.

Dahil sa lakas ng impact ay tumilapon pa si Tilbe hanggang sa masagasaan siya ng truck at nabasag ang ulo ng biktima.

Tumakas ang truck, pero hindi pa natutukoy ng mga otoridad ang pagkakakilanlan ng drayber nito at kahit plate number ng sasakyan.

Patuloy pa ang imbestigasyon sa insidente, habang ang biktima ay nasa isang punerarya sa Sta. Cruz.

 

admin

admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *