Limang lungsod sa NCR nasa low risk na lang sa COVID-19
Limang lungsod sa Metro Manila ang nasa low risk na sa COVID-19.
Batay sa datos mula sa OCTA Research kabilang dito ang Caloocan, Pateros, Navotas, Taguig at Marikina.
Ang reproduction number at health cade utilization sa anim na lungsod ay nasa very low category na.
Nananatili sa moderate risk ang kabuuan ng NCR pero ayon sa OCTA Research malapit na itong bumaba sa low risk.
Batay sa projection ng OCTA sa katapusan ng buwan ay bababa na sa 200 na lamang ang maitatalang bagong kaso ng COVID-19 sa Metro Manila. (DDC)