Iloilo City nananatiling ‘very high risk’ sa COVID-19
Nasa ‘very high risk’ pa rin ang Iloilo City sa COVID-19 cases ayon sa OCTA Research.
Sa datos mula kay Dr. Guido David ng OCTA Research, ang Iloilo City ay mayroong average daily attack rate na 60.45% , 1.08 reproduction number, 71% healthcare utilization rate, at 32% positivity rate.
Ang anim pang highly-urbanized cities sa Visayas ay nasa ‘high risk’.
Kabilang dito ang Bacolod City, Cebu City, Lapu Lapu City, Mandaue City, Ormoc City at Tacloban City. (DDC)