BREAKING: DOH nakapagtala ng 8,702 na bagong kaso ng COVID-19
Nakapagtala ng 8,702 na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon sa datos ng Department of Health (DOH) araw ng Huwebes, Feb. 3 ay 3,585,461 na ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa kabuuang bilang ng COVID-19 cases, 3,377,958 ang gumaling o katumbas ng 94.2 percent makaraang makapagtala pa ng dagdag na 15,290 na gumaling.
Bumaba naman na sa 153,335 ang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 ng 4.3 percent.
Nasa 54,168 ang kabuuang death toll sa bansa o 1.51 percent makaraang makapagtala ng 71 pang pumanaw. (DDC)