Mga ‘single’ na empleyado ng munisipyo sa General Luna, Quezon tatanggap ng double pay sa Valentine’s Day

Mga ‘single’ na empleyado ng munisipyo sa General Luna, Quezon tatanggap ng double pay sa Valentine’s Day

Doble ang sahod na matatanggap sa Valentine’s Day, February 14 ng mga empleyado ng munisipyo ng General Luna, Quezon kung sila ay single.

Sa Executive Order na nilagdaan ni General Luna Mayor Matt Florido, itinakda ang February 14, 2022 bilang espesyal na araw para sa mga single na empleyado ng Lokal na Pamahalaan ng General Luna.

Ang mga single na empleyado ay makatatanggap ng dobleng sahod sa araw ng mga puso.

Ayon kay Florido ang pondo para sa double pay na benepisyo ng mga empleyado ay manggagaling sa kaniyang suweldo.

Narito ang mga dapat gawin upang mapabilang sa benepisyo:

1. Magpalista ng pangalan sa Municipal Human Resource Office. Ibigay ang detalye ng iyong pagiging single sa kasalukuyan gaya ng kulang ilang taon o buwan nang single, bakit walang kasintahan o bakit nanawalan ng kasintahan.

2. Para matiyak na totoong walang kasintahan, ang Mayor’s Office ay may karapatang magsiyasat para malaman kung ito ay totoo.

3. Sakaling ayaw pumasok ng empleyedong single sa Pebrero 14, 2022 at mas pinili nya na magmuni-muni na lamang, puwede siyang mag-apply ng paid leave.

Ayon kay Mayor Florido, noong nakaraang taon, mayroong 43 empleyado ng Munisipyo ang single.

Umaasa ang alkalde na nabawasan na ito sa ngayon. (Jay-Ar Narit)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *