Mahigit 200 paaralan sa bansa handang simulan muli ang face-to-face classes

Mahigit 200 paaralan sa bansa handang simulan muli ang face-to-face classes

Nagsagawa na ng pagpupulong ang mga opisyal ng Department of Education (DepEd) para talakayin ang ang implementasyon ng limited face-to-face classes na sisimulan muli saa mga piling rehiyon sa bansa.

Sa isinagawang pulong, handa nang ipatupad sa susunod na linggo ang face-to-face classes sa ilang mga rehiyon.

Sa NCR, ang 28 pilot schools ay magpapatuloy na ng face-to-face classes sa Pebrero 9, habang ang dagdag na mga paaralan ay unti-unting magsisimula ng kanilang klase mula Pebrero 9 at sa mga susunod pang araw.

Sa Region II naman 12 mga paaraalan sa Batanes ang handa nang magsagawa ng expanded face-to-face classes mula Feb 7 hanggang 11..

Sa Region III, mayroong 106 na mga paaralan sa Bulacan na handa nang magsimula ng face-to-face classes sa Pebrero 21.

Sa Region IV-A, kabuuang 57 na mga paaralan mula sa sa mga probinsiya ng Rizal (21 mga paaralan) at Cavite (36 na mga paaralan) (nasa ilalim ng Alert Level 2) ang nakatakda nang lumahok sa expanded phase ng limited face-to-face classes sa feb 14

Sa Southern Leyte at Biliran City SDO na nasa Alert Level 2, tatlong paaralan ng SDO Southern Leyte ang magsisimula ng klase sa Pebrero 7 samantalang ang Maasin City (pitong paaralan) at Biliran City (anim na paaralan) ay magsisimula sa Pebrero 14.

Ang natitirang mga Rehiyon, ay patuloy ang paghahanda para sa expanded phase ng face-to-face classes. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *