Bahagi ng Mindanao apektado ng LPA; Shear Line magpapaulan sa bahagi ng Luzon at Visayas
Malaking bahagi ng bansa ang makararanas ng pag-ulan ngayong araw dahil sa Low Pressure Area (LPA) at Shear Line.
Ayon sa weather forecast ng PAGASA, ngayong araw, magdudulot ng kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms ang Shear Line sa Bicol Region, MIMAROPA, Aklan, Northern Samar, Eastern Samar, at Samar.
Trough ng Low Pressure Are naman ang magdudulot ng kalat-kalat na pag-ulan sa Davao Region, Surigao del Sur, Sarangani, Basilan, Sulu, at Tawi-Tawi.
Apektado naman ng Amihan ang Metro Manila at nalalabi pang bahagi ng Luzon.
Habang sa nalalabing bahagi ng Visayas at Mindanao ay localized thunderstorms ang iiral. (DDC)