Pagdiriwang ng Chinese New Year, gawing ligtas ayon sa DOH; online reunion at e-Angpao iminungkahi

Pagdiriwang ng Chinese New Year, gawing ligtas ayon sa DOH; online reunion at e-Angpao iminungkahi

Hinikayat ng Department of Health (DOH) ang publiko na gawing ligtas ang pagdiriwang ng Chinese New Year sa February 1, 2022.

Sa inilabas na abiso, sinabi ng DOH na dapat tiyakin ang pagsunod sa mga health protocols sa mga gagawing pagdiriwang.

Mas mainam kung mananatili na lamang sa bahay at ipagdiwang ang Chinese New Year kasama lamang ang pamilya.

Kung nais makita ang mga kaanak, mas mainam na magkaroon na lamang ng ‘online reunion’ gamit ang video call.

Hinikayat din ng DOH ang pagbibigay ng ‘electronic Angpao’ o ipadala na lang sa pamamagitan ng online transfer ang regalong pera.

Ayon sa DOH, hindi ligtas kung magtutungo pa sa China Town.

Paalala ng kagawaran, kahit bakunado na kontra COVID-19 ay dapat pa ring itodo ang pag-iingat sa sakit. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *