NCR posibleng nasa moderate risk na lang sa susunod na linggo
Mula sa high risk ay posibleng bababa sa moderate risk ang National Capital Region (NCR) sa susunod na linggo.
Ayon sa OCTA Research, ito ay kung pagbabasehan ang datos mula sa Department of Health (DOH).
Sinabi ng OCTA na OCTA na ang seven-day average cases sa NCR ay bumaba na sa 15,782 mula Jan. 12 hanggang Jan. 18.
At mula Jan. 19 hanggang 25 bumaba ang ang seven-day average cases sa NCR sa 6,260 na lamang.
Samantala ang one-week average daily attack rate (ADAR) sa Metro Manila ay nasa 111 na lang mula Jan. 12 hanggang 18 at bumaba pa sa 44 mula Jan. 19 hanggang 25. (DDC)