Gown ng Korean Actress na si Park Shin Hye, likha ng Fil-Am designer na si Monique Lhuillier
Ang Filipino-American designer na si Monique Lhuillier ang lumikha ng gown ng Korean Actress na si Park Shin Hye na kamakailan ay ikinasal sa aktor na si Choi Tae Joon.
Sa kaniyang Instagram ibinahagi ni Lhuillier ang larawan ng Korean couple at ipinaabot ang pagbati sa dalawa.
Nilagyan ni Lhuillier ang post ng hashtags na #moniquelhuillier at #mlbride.
January 22 nang ikasal ang dalawa sa Seoul. (DDC)