Ilang bangko sa Visayas hindi pa fully-operational matapos ang epekto ng Typhoon Odette
May mga bangko pa rin sa Visayas ang hindi pa fully-operational matapos ang epekto ng Typhoon Odette.
Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), may mga bangko sa Visayas ang nagpapatupad ng shortened banking hours dahil sa nararanasan pa ring problema sa kuryente, telecommunication, at internet service.
Pinayuhan ng BSP ang mga kliyente ng mga bangko na gumamit na lamang munan g e-bankung at digital payment services sa kanilang mga transaksyon.
Maari ding magpunta sa ibang branch sa kalapit na mga lugar na fully-operational na.
Upang mas mapabilis ang pagbabalik sa normal na operasyon, nakikipag-ugnayan na ang mga bangko sa mga utility company at at web service providers. (DDC)