Pasok sa Senado suspendido dahil sa tumataas na kaso ng COVID-19
Sinuspinde ang pasok sa Senado simula ngayong araw January 18 hanggang sa January 23.
Ito ay dahil sa pagtaas ng bilang ng positibong kaso ng COVID-19 sa hanay ng mga senador, staff, at empleyado ng Senado.
Habang suspendido ang pasok ay magsasagawa ng disinfection at sanitation sa Senate building.
Pinaalalahanan ang mga empleyado na panatilihing bukas ang kanilang linya ng komunikasyon para sa inquiries.
Samantala, tuloy pa rin ang pagsasagawa ng virtual hearing at technical working group meeting ng Senado. (DDC)