DOH nakapagtala ng 37,070 na bagong kaso ng COVID-19
Nakapagtala ng 37,070 na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon sa datos ng Department of Health (DOH) araw ng Lunes, Jan. 17 ay 3,242,374 na ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa kabuuang bilang ng COVID-19 cases, 2,898,507 ang gumaling o katumbas ng 89.4 percent makaraang makapagtala pa ng dagdag na 33,940 na gumaling.
Sumampa na sa 290,938 ang aktibong kaso ng COVID-19 ng 9 percent.
Nasa 52,929 ang kabuuang death toll sa bansa o 1.63 percent makaraang makapagtala ng 23 pang pumanaw. (DDC)