Manila Zoo target gawing vaccination site para sa mga bata
Target ng pamahalaang lungsod ng Maynila na gamitin ang Manila Zoo bilang vaccination site sa mga bata.
Kasunod ito ng nalalapit na pagsisimula ng pagbabakuna sa mga edad 5 hanggang 11 taong gulang na bata.
Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, maliban sa mga bata, posibleng gamitin din ang Manila Zoo bilang vaccination site para sa mga lolo at lola.
Nagsagawa ng inspeksyon si Moreno kasama si Manila Vice Mayor Honey Lacuna sa Manila Zoo upang tignan ang posibilidad na makapagsagawa ng vaccination drive sa nasabing pasyalan. (DDC)