BREAKING: DOH nakapagtala ng 32,246 na bagong kaso ng COVID-19
Nakapagtala ng 32,246 na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon sa datos ng Department of Health (DOH) araw ng Miyerkules, Jan. 12 ay 3,058,634 na ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa kabuuang bilang ng COVID-19 cases, 2,797,816 ang gumaling o katumbas ng 91.5 percent makaraang makapagtala pa ng dagdag na 5,063 na gumaling.
Sumampa na sa 208,164 ang aktibong kaso ng COVID-19 ng 6.8 percent.
Nasa 52,654 ang kabuuang death toll sa bansa o 1.72 percent makaraang makapagtala ng 144 pang pumanaw. (DDC)