Puso ng baboy matagumpay na nailipat sa isang lalaking pasyente sa US
Naging matagumpay ang idinaos na operasyon ng mga US surgeon para mailipat ang puso ng baboy sa isang lalaking pasyente sa University of Maryland Medical School.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagsagawa ng heart implant mula sa isang genetically modified pig patungo sa tao.
Dahil sa tagumpay, napatunayang ang puso ng hayop ay kayang magamit sa tao.
Ang 57 anyos na si David Bennett ng Maryland ay kinailangan ng heart transplant pero ineligible siya para sa human transplant.
Sa ngayon ay masusing binabantayan si Bennett at maayos naman ang kondisyon nito.
Inaprubahan ng US Food and Drug Administration ang emergency authorization para sa pagsasagawa ng naturang surgery. (DDC)