Mahigit 4,000 delivery riders nabigyan ng booster shot sa Maynila

Mahigit 4,000 delivery riders nabigyan ng booster shot sa Maynila

Umabot na sa mahigit 4,000 delivery riders ang tumanggap ng booster shot ng COVID-19 vaccine sa lungsod ng Maynila.

Isinasagawa ang pagbabakuna sa mga delivery riders sa Kartilya ng Katipunan sa lungsod.

Una itong inilunsad noong January 6, subalit dahil sa dumagsa ang mga rider na nais makatanggap ng bakuna, pinalawig ito at nagpatuloy sa mga sumunod na araw.

Noong January 6 at 7 umabot sa kabuuang 1,782 na riders ang nabakunahan.

At noong January 8 at 9 ay umabot sa 2,338 ang tumanggap ng bakuna.

Ang libreng bakuna ay para sa mga delivery worker ng Grab, Angkas, Lalamove, Shopee, Lazada, Foodpanda, Mr. Speedy at iba pang kahalintulad. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *