Sen. Panfilo Lacson nadismaya sa tagal ng resulta ng kaniyang RT PCR test
Dismayado si Senator Panfilo Lacson sa tagal ng resulta ng kaniyang RT PCR Test.
Ayon kay Lacson mahigit 40 oras na ay wala pa ang resulta ng kaniyang test.
Dahil dito, kahit ang mga sintomas niya na nainip na umano at hindi na nakaantay.
Ayon sa Senador, nawala na ang kaniyang lagnat, sore throat, sipon at ubo.
Maraming netizens naman ang sumegunda sa pagkadismaya ni Lacson.
Ayon sa ilan umabot na ng 48 oras ay wala pa rin ang kanilang resulta. (DDC)